17 sundalo, 15 Cafgu nalagas kontra rebelde

Umabot na sa 32 panig ng pamahalaan, kabilang ang 17 sundalo at 15 miyembro ng Cafgu Active Auxiliary ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa mga communist armed group sa Eastern Mindanao Command (Eastmincom) mula Enero hanggang Disyembre 2019.

Base sa year-end report ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 275 na sagupaan ang kanilang nakasalamuha sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at nasa 302 hideout naman ang nadiskubreng pinagkukutaan ng mga rebelde.
Ayon kay Eastmincom Public Information Office chief Lieutenant Colonel Ezra Balagtey, nasa 56 guerilla fighter naman ang nasawi sa panig naman ng mga NPA.

“The improved security situation is also attri­buted to continuous loss of mass base and space as 6,283 mass supporters or members of the underground mass organization dissociated and severed their ties with the CTGs,” ayon kay Balagtey.

Nasa siyam na municipality, apat na siyudad at 24 organization sa Eastmincom area ang nai­deklara nang ligtas sa NPA. (Vick Aquino)