Inurong na Department of Transportation (DOTr) ang kanilang planong i-phase out ang lahat 170,000 public utility jeepney (PUVs) kapalit ng bagong unit.
Sa deliberasyon ng Senado sa P126.86 bilyong budget ng DOTr para sa 2020, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, sponsor ng pondo ng DOTr, sa nagtatanong na si Senadora Grace Poe, na sinang-ayunan ng ahensiya ang rekomendasyon nito na idaan na lang sa road worthiness test ang mga PUJs sa halip na tanggalin.
“DOTr also announced that it will no longer be pushing for modernizing all 170,000 units of the PUVs. Instead it is adopting our recommendation to use road worthiness as a standard. Meaning, emissions, the safety, basically, the engine worthiness. Is this still going to be honored?” tanong ni Poe.
“They complied with your recommendation so all PUJs will be allowed to ply on the road as long as they pass the motor vehicle inspection system or road worthiness test,” sagot naman ni Gatchalian.
Pinasalamatan naman ni Poe ang DOTr dahil dininig nito ang kanyang panukala. (Dindo Matining)