18 sangkot sa droga patay sa Bulacan

dead-body-drug-pusher

Sumampa sa labing-walong katao na sangkot sa iligal na droga ang napatay ng kapulisan habang umabot sa 185 ang nadakip sa isinagawang anti-illegal drug operations ng Philippine National Police (PNP) Bulacan noong Marso sa tatlong siyudad at 21 bayan sa Bulacan.

Base sa nakalap na impormasyon ng Tonite, kabilang sa 18 napatay ng awtoridad ang isang barangay kagawad sa Malolos City habang dalawang dating pulis ang nakasama sa mga nadakip at nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga at nakilalang sina Vicente Lava at Angkayah Adum y Ismail.

Ang dating pulis na si Lava ay nasibak sa serbisyo noong 2001 habang si Adum ay noong 2012. Nasakote sila ng kanilang dating kabaro sa isinagawang serye ng operasyon laban sa droga noong Marso 21 kungsaan 13 tulak ng droga ang naitumba sa 24 oras na operasyon ng kapulisan sa probinsya.