Mapuputulan ng dalawang daliri ang isang 7-anyos na batang lalaki nang masabugan ng ginamit na paputok nitong bisperas ng Pasko sa Genwral Trias, Cavite City.

Nabatid na alas-9:30 nang umaga noong Disyembre 24 nang isugod sa Philippine General Hospital ang ‘di pinangalanang biktima kung saan siya na-diagnose ng mga doktor na nagtamo ng ‘mangled left hand se­condary to blast injury’

Kinailangan ding putulin ang kanyang kaliwang palasinsi­ngan o ring finger at hinliliit o small finger.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nananatili pa ring naka-confine ang biktima sa PGH at nagpapagaling sa pinsalang tinamo mula sa ‘di natukoy na uri ng paputok.

Sinabi ng DOH na ang nasabing totoy ay kabilang sa bagong biktima ng paputok.

Nabatid na mula alas-6:00 nang umaga ng Disyembre 21 hanggang alas-5:59 nang madaling-araw ng Dis­yembre 26, umaabot na sa 19 ang naitatala ng DOH na fireworks-related injuries sa bansa dahil sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon, na may age range na mula 4 hanggang 60-anyos. (Juliet de Loza-Cudia)