Inihayag kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na nasa 19 na kompanya ang na­bigyan ng lisensya para makapagbenta ng mga paputok para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon sa DTI, inilabas na kahapon ng Bureau of Philippine Standards (BPS) ang listahan ng mga accredited firecrackers manufacturer.

Kabilang dito ang mga sumusunod: Pe­gasus Fireworks, Phoenix Fireworks, Platinum Fireworks Inc., Purity Fireworks, Pyro Kreations Fireworks, R and F Fireworks, Tiger Fireworks, Wow Fireworks Manufacturing­, Yangco Fireworks, Mary P Diaresco Pyrotechnics Manufacturing­, Nation Fireworks, Glo­bal Lions Fireworks Incorporated, Golde­n Leopard King Fireworks Manufacturer, Legen­dary Fireworks Inc., MADZ Firecracker­s and Pyrotechnic-Vista Alegre, A.G.E Pyrotechnic Enterprises, Diamond Fireworks, Double L Fireworks, Dragon Fireworks Inc.

Kaugnay nito, nagpaalala rin ang DTI sa mga mamimili ng pa­putok na tingnan ang Philippine Standard o ‘PS’ mark para matiyak ang kanilang seguridad.
Pinayuhan din ng ahensiya na mag-i­ngat ang mamamayan sa paggamit ng anumang uri ng pa­putok upang maiwasan ang sakuna at sunog sa kanilang lugar.

Pahayag pa ng DTI na tutukan din nila ang mga nagbebenta ng mga paputok para hindi ito makapagbenta ng mga walang ‘PS’ mark. (Armida Rico)