19 na nakalaya sa GCTA pinatutugis ng DOJ

Isinumite na ng Department Of Justice (DOJ) ang inisyal na listahan ng Bureau of Corrections (BuCor) na naglalaman ng pangalan ng mga person deprived of liberty (PDL) na dapat ay arestu­hing muli ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, 19 na ang pangalang nakasama sa initial list na naipadala na rin aniya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes.

Sinabi pa ng Kalihim na maaari nang ipagpatuloy ng mga tracker team ng PNP ang kanilang pagtugis sa mga preso na nasa bagong listahan na maagang napalaya sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law partikular ang mga PDL na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Maglalabas pa aniya ng karagdagang pangalan ang BuCor kada linggo o pagkatapos marebisa ang listahan ng mga nakalaya dahil sa GCTA.

(Lorraine Gamo)