Nadakip ng Malaysia ang 19 na mga Pilipino na umano’y galing sa lalawigan ng Tawi-Tawi at pumasok sa Sabah nang walang mga dokumento.
Sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Sabah, galing umano sa isla ng Taganak ang mga Pilipino na pawang mga natibo ng Sulu at sakay sila ng isang speedboat. Naharang umano ang mga ito kamakalawa ng gabi ng patrol boats sa karagatan ng Sabah.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng Eastern Sabah Security Command ang mga Pilipino na pawang mga Muslim na nahaharap sa kasong ilegal na pagpasok sa Malaysia.
Mahigpit umano ang seguridad na pinaiiral ng Malaysia sa Sabah upang matiyak na walang mga Abu Sayyaf ang makakapasok doon.