19 preso, jail worker sa Correctional COVID infected

Nadagdagan ang bilang ng mga bilanggo sa Correctional Institution for Women (CIW) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Martes.

Ayon sa Facebook post ng Bureau of Corrections (BuCor), 18 bilanggo sa nasabing prison facility na matatagpuan sa Mandaluyong City ang tinamaan ng COVID-19 batay sa ulat ni CIW Superintendent Virginia Mangawit.

Ang mga nasabing preso ay na-test sa pamamagitan ng polymerate chain reaction (PRC) method ng Philippine Red Cross (PRC) matapos isagawa ang contact tracing sa nagpositibong COVID-19 patient na nakaratay sa isang government hospital.

Bukod sa 18 bilanggo, isang staff din ng BuCor ang nagpositibo sa virus o kabuuan na 19 sa 51 na nagpositibo sa COVID-19.

Nabatid na mild symptom lang ang karamihan sa mga COVID-19 positive sa CWI habang ang iba ay walang sintomas ng virus.

Mino-monitor na umano ang mga COVID-19 suspect at binibigyan ng mga bitamina at gamot para malabanan ang virus.(Ray Mark Patriarca)