Nasa 193 pang overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia ang nakauwi na sa bansa matapos matulungan ng kasalukuyan administrasyon.

Kamakalawa ng gabi nang dumating ang mga OFW sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasabing bilang na mula sa Riyadh nang nasabing bansa.

Ayon kay Yolanda Peñaranda ng Repatriation Unit ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nakipag-ugnayan na sila kay Rowena Alzaga tagapagsalita ng OWWA-Bicol na kanila nang nasalubong ang 193 OFWs na pawang mga Bicolano na mula sa siyam na kumpanyang na naapektuhan ng crisis sa ibang bansa.

Sinabi naman ni Alzaga na mabibigyan ng P20,000 ang mga empleyado mula sa siyam na construction at maintenance company bilang tulong sa mga ito.

Aniya, habang ang naghihintay na pamilya ng mga OFW na taga-Bicol ay maaring magtungo sa kanilang opisina upang i-claim ang financial assistance na nagkakahalaga ng P6,000.