Kasagsagan pa ang matatapos sa Setyembre 11 na 17th AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City at nakatakda ang 10th FIVB World Women’s Club Championship sa Oktubre 18-23 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isa pang torneo ang pagkakaabalahan uli ng Larong Volleyball ng Pilipinas, Inc. sa Agosto 2017, ang 19th AVC Asian Senior Women’s Championship matapos tanggapin ang alok ng Asian Volleyball Confederation.

“We recently had last Sunday the inauguration of the office and training center of LVPI which is inside the Arellano University Gym where no less than Internatio­nal Volleyball Federation honorary president Jiezhong Wei and FIVB EVP Essa Hamza Ahmad Al Failakawi awarded the right to host in August 2017,” wika ni LVPI VP Pedro Cayco kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate sa Manila.

Parte aniya ito sa paghahanda na ng bansa para sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia at sa 18th Asian Games 2018 sa Jakarta, Indonesia.

“We were invited and went also to CESAFI in Cebu where the Coaches Commission of Cebu was organized with no other than  Sinfronio Acaylar elected as president. The Referees Commission for the Visayan Region will also be soon organized,” hirit niya.

Kadodonasyon lang ng FIVB at AVC ng flooring (Taraflex) at iba pang Senoh equipments Senoh sa bansa na nilagay sa training center.

May bet din ang bansa sa 5th Asian Beach Games 2016 sa buwang ito sa Vietnam na ang ilang hahambalos ay sina EJ Pareja, Jade Bacaldo, Zak Hachalea at iba pa.