1B Recycling facility itatayo ng Coca-Cola sa Pilipinas

Mamumuhunan ang Coca-Cola Philippines Inc. ng isang bil­yong pisong food-grade recycling faci­lity upang makatulong mapa­lakas ang pagsisikap na mapanatili ang kalinisan sa bansa.

Ang proyekto ay naglalayong mangolekta, magbukod, linisin at hugasan ang mga bote ng PET (polyethylene terephthalate), ang unang malaking pamumuhunan ng Coca-Cola sa isang pasilidad sa recycling sa Timog-silangang Asya, ayon sa pahayag ng Coca-Cola Philippines.

Sinabi ni Coca-Cola Beve­rages Philippines Inc. president at CEO Gareth McGeown, tinawag ng Coca-Cola ang Pilipinas na tahanan nito sa loob ng 107 taon na ang binibilang at nais nilang gawin ang kanilang bahagi upang matiyak ang pagpapanatili sa loob ng kanyang mga baybayin.

Sa sandaling makumpleto, ay inaasahang mapapabuti ang koleksyon ng PET at mga rate ng pag-recycle sa Pilipinas at makalikha ng mas maraming trabaho.
Ang proyekto ay bahagi ng ‘World Without Waste’ na pandaigdigang pangako ng kompanya, na naglalayong mangolekta at mag-recycle ng katumbas ng bawat bote at maaari itong ibenta sa 2030, ayon pa sa kompanya.

Ayon kay McGeown, ang lahat ng mga lata at bote ng Coca-Cola ay “100 porsiyento na maaring magamit” at may halaga bilang isang recycled na materyal.

Plano ng Coca-Cola na gumamit ng isang average na 50% na recycled na nilalaman sa kanyang packaging, kasama ang PET bottles. (Mina Aquino)