Ibinulgar ng Department of Health (DOH) na may naitalang 1,000 bagong kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) nitong buwan ng Oktubre.

Base sa record ng HIV/AIDS Registry of the Philippines nitong Oktubre 2018, may 1,072 naitalang bagong kaso ng HIV.

Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 919 kaso ng HIV noong nakalipas na taon sa kaparehas na panahon. Iniulat din ng DOH na 30 na ang nasawi.

Lumalabas sa datos na ang sexual contact ang nananatiling dahilan ng pagkahawa ng 1.044 kaso kung saan 902 ay dahil sa pakikiĀ­pagtalik sa kapwa-lalaki. Labinlima naman ay nahawa dahil sa needle sharing habang ang 11 ay walang data kung papaano nahawa.