Mahigit 1,000 residente na umano mula sa Sampaloc District sa Maynila ang sumailalim sa pagsusuri para sa coronavirus disease (COVID-19)

Kasunod ito ng pinatupad na hard lockdown na pinatupad sa distrito kung saan 130 ang nahuling lumabag, ayon sa Manila Police District (MPD).

Nabatid na ang mga naaresto ay lumabag sa curfew hour at nakita sa kalsada habang umiiral ang 48 hours lockdown.

Ilang nagpositibo sa virus ang dinala sa Ninoy Aquino Quarantine facility para sa mas masuri pa.

Ang hard lockdown sa Sampaloc District ay nagtapos kahapon ng alas 8 ng gabi kung saan may 192 barangay ang nasasakupan. (Juliet de Loza-Cudia)