1M party drugs nasamsam sa condo

Papalo sa P1 milyon na halaga ng iba’t ibang klaseng party drugs ang nasamsam sa isang condominium ng pinagsanib na puwersa ng Mandaluyong police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pinaglulunggan ng isa umanong “high-value target” na drug pusher matapos ang ginawang pagsalakay kahapon ng madaling araw sa Mandaluyong City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Jovet Atilano, alyas OJ, nasa hustong gulang, residente ng Unit 506, GA Tower Condominiums, Barangay Malamig, Mandaluyong City.

Nabatid na naaresto si Atelano dakong alas-4:00 ng madaling araw sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte makaraang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa pagtutulak ng bawal na gamot ng suspek.

Sinasabing ilang sa parukyano ng suspek ay mayayaman at kilalang individual sa Mandaluyong City.

Hindi naman tinukoy ng mga awtoridad kung sino-sino ang mga parukyano ng suspek na subject ngayon sa validation at masusing imbestigasyon.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa Condominium ng suspek ang ibat-ibang uri ng bawal na gamot na kinabibilangan ng ecstacy, valium at mogadon na nagkakahalaga ng P1-milyon.

Samantala, inanim ni Atelano na dati siyang nagtutulak ng bawal na gamot pero matagal na umano siyang tumigil at kanyang itinanggi na pag-aari niya ang nakumpiskang mga party drugs.

Sa ngayon ay nakakulong sa PDEA detention facility ang suspek habang inihahanda ang pagsasampan ng kasong drug pushing laban dito.