2-0 marka, inalay ni Galang sa ‘F2’

Mga laro bukas:
(FilOil Flying V Centre)
2:00 pm — Philippines vs Cocolife
4:15 pm — Petron vs UP-UAI
7:00 pm — Sta. Lucia Realty vs UE-Cherrylume

Ipinalasap ng F2 Logistics sa Generika-Ayala ang kanilang u­nang kabiguan matapos paluin ang 25-20, 25-16, 25-20 panalo kahapon sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Naglaro sa una at pangatlong set, kumana si Ara Galang ng nine points mula sa six kills at tatlong blocks kasama ang 10 digs upang tulungan ang Cargo Movers na ilista ang malinis na dalawang panalo at makuha ang solo top spot sa Pool A.

Sumandal sa kanilang experience sa Thailand, kumpiyansang tinaob ng F2 Logistics ang erstwhile unbeaten Lifesavers sa event na suportado ng Isuzu, UCPB Gen at SOGO Hotel kasama ang ESPN5, Hyper HD at Aksyon TV bilang broadcast partners.

Lumahok nakaraan ang Cargo Movers sa Sealect Tuna Invitational Championship sa Sisaket, Thailand.

Nag-ambag ang lahat ng miyembro ng F2 Logistics upang kalsuhan ang two-game winning streak ng Generika-Ayala.

“Our trip from Thailand was a huge boost to the confidence of the players,” saad ni F2 Logistics Head Coach Ramil de Jesus. “Even we did not win our semifinals game there, the great level of competition and the system of Thai teams are what I want my players to adapt.

Bumakas sina Cargo Movers skipper Cha Cruz-Behag at Majoy Baron ng tig-pitong puntos. (Elech Dawa)