Game 3 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)
7:00 p.m. — Ginebra vs. Meralco

Pokus ang Ginebra at Meralco para masikwat ang krusyal na 2-1 edge sa sa kapana-panabik at balikatang Game Three mamayang ala-siete ng gabi sa patok sa takilyang PBA Governors’ Cup best-of-seven title showdown sa Smart Araneta Coliseum.

Unang nagpadanak ng dugo ang Meralco nang makabuelo para sa third quarter 16 points down pa-12-4 blits at 114-109 overtime victory nung Biyernes.

Bumentahe ang Ginebra ng 15 sa third period saka nagulangan sa endgame pa-one-all deadlock ang Meralco, 82-79 decision nung Linggo, bulilyaso sa napakaganda sanang gabi ng Meralco, lalo na kina Allen Durham at Jimmy Alapag.

Bago mag-tip-off nung last game, ginawad nina pro cage league commissioner Andres Narvasa, Jr. at chairman Robert Non ang Best Import award kay Durham samantalang pinatalsik na ni Jimmy Alapag sa trono si Allan Caidic bilang all-time most 3-point shots made leader sa loob ng 17 taon nang makapagsalpak na ng 1,243 total.

Gumanti si Justin Brownlee kay Durham sa matabang niyang Game 1 nang tumoma ng 32 points na may sahog pang 12 rebounds ang una laban sa 22 at 15 ng huli, malayo sa 46 markers nito sa pagbubukas ng serye.

Inasistehan ang reinforcement ng alak na sina Sol Mercado at Mark Caguioa ng 12 at 10 pts., ayon sa pagkakasunod. Si Mercado rin ang nagpahirap buong gabi kay Durham sa epektibong mala-depensang military nito.

Naka-double-double si Cliff Hodge ng 16 pts. at 11 boards, at si Chris Newsome ay mayroong 10 pts. para sa nawalang halagang tulong kay Durham.

Sa pang-ungos na ito, tinataya ang mas maigting, kapana-panabik at dikdikang girian.

“We were unfortunate to lose Game 1 but in many ways was lucky to win Game 2,” sambit ng Gin Kings coach.  “Now the winner of Game 3 will be in a position to dictate the rest of the season. That makes Game 3 crucial to both teams.”

Inayunan ni Norman Black si Tim Cone.

“It’s down to a best of five so getting win No. two is very important. Offensively we must do a better job of spacing the floor to give Durham more room to move vs. their sagging defense,” sabi naman ng Bolts coach.

“Defensive must we must find a way to slow down Brownlee. Rebounding will once again be a big key to the game,” panapos ni Black.