Dalawa hanggang tatlong taon pa ang titiisin ng mga motorista para maresolba ang nararanasang matinding problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ito ang pag-amin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar sa kanyang talumpati sa Financial Times-First Metro Investment Corp. Summit, kung saan ang mahinang imprastraktura, aniya, ang isa sa kinakaharap na sitwasyon ng ekonomiya ng bansa gaya ng problema sa daloy ng trapiko.
“It is a problem we can solve in two to three years,” ani Villar.
Bunsod nito ay naghahanap na umano ng iba pang mga proyekto ang pamahalaan na magpapaluwag sa trapiko sa National Capital Region (NCR).
Ito rin, aniya, ang dahilan kung kaya’t itataas ng administrasyong Duterte ang government spending ng hanggang sa 7 porsiyento ng Gross Domestic Product (GDP).
Malapit na rin aniyang matapos ang ilan pang malalaking proyekto tulad ng NLEX-SLEX connector projects at Harbor Link projects at NAIA Expressway at Skyway Extension project na malaki ang maitutulong upang mabawasan ang matinding trapik sa araw-araw.
Ang NLEX-SLEX Connector Road ay sasakop sa konstruksyon at operasyon ng 8-kilometer 4-lane elevated expressway sa Philippine National Railway (PNR) right of way.
Magsisimula ito sa C3 Road sa Caloocan na babagtas sa Maynila sa España patungo sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), Sta. Mesa na uugnay sa Metro Manila Skyway Stage 3 (MMSS3).
Habang ang Harbor Link Project ay sasakop sa 8.07-km extension ng NLEX mula sa Mindanao Avenue, Quezon City hanggang sa C-3 sa Caloocan City.
i believe it can be done
After ng 2 to 3 yrs another 2 to 3 yrs n naman….hehehe.mga sira ulo
kahit kailan hindi mawawala ang trapik na yan hanngat hindi nagiging masunurin at may disiplina ang mga driver at pasahero, lalo na ang mga driver ng jeep mga walang silang pakiaalam pag nasa kalsada na sila
Hindi na mawawala ang trapik. Habambuhay na nating haharapin to. Dapat 25 years advance planning. Look at China and learn the Straddle bus that can be use on Edsa and some major thoroughfares. Another solution is tripple layer of elevated skyway. As long as population increases and car ownership increases traffic will get worse. Another issue is the flooding that once it rains it floods the streets and causing a lot of traffic jams.