Pinaghahandaan ngayon ng Metro Manila Police ang tinatayang 2.5 milyong deboto na dadagsa sa Traslacion sa kapistahan ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2019.
Sinabi ni National Capital Region Police Office chief Director Guillermo Eleazar sa ginanap na press briefing na ang Traslacion ay magsisimula ng alas-5:00 ng umaga kung saan lalakarin ng mga deboto ang may 6.1 kilometrong ruta ng Traslacion mula Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church.
Nabatid na ang Traslacion ay taon-taon nang ginagawa ng mga debotong Katoliko sa paniniwalang matutupad ang dalangin ng mga ito sa Black Nazarene.
Ayon kay Eleazar, may 7,200 puwersa ng pulisya ang ikakalat sa Quirino Grandstand sa ruta ng prusisyon hanggang sa paligid ng Manor Basilica para magbigay-seguridad. (Juliet de Loza-Cudia)