2 aktor timbog sa ‘batibot’

NI: ALWIN IGNACIO

Totoo kaya ang chikang ito mula sa creative writing class ng mga dalahira?

Ang sitsit kasi, si actor A at si actor b, oras na para magpahinga, napagdesisyunan magkwentuhan tungkol sa kanilang buhay-buhay. Ang kuwentuhan, umabot sa usaping sekswal na mga karanasan na kung saan hindi lamang sa mga babae, kundi pati na rin sa mga bading.

Madilim ang paligid, malalim na ang gabi at siguro dahil sadyang malilikot ang kanilang imahinasyon, matitikas at makikisig na mga lalaki sina actor A at actor b, kahit pa nga parang manipis na tabing lamang ang tumatakip sa kanilang pinaglulugaran, inalabas nila ang kanilang mga tinatagong ari-arian at yun na nga, may masturbation session umano ang mga ito.

Pareho namang tunay na lalaki sina actor A at actor B at tiyak, makakatulong ang kanilang spanking the monkey deed para sa kanilang mga katauhan sa dramang sila ay kasali. Mawawala ang kanilang inhibisyon, mas magiging komportable sa isa’t-isa, lalo na nga’t may anggulong kakaiba ang kanilang mga ginagampanan.

Impit na ungol at malalim na paghinga na ang mga kaganapan kina actor A at actor B. Kung hinawakan nila ang isa’t-isa, dinama ang sukat, haba at taba, kung sino ang mas makinis at mas maugat, silang dalawa lang ang may alam.

Ang kaso, malapit na sana sa pagtilamsik ang milk of human kindness, biglang pumasok ang bidang actor sa kanilang drama at siyempre pa, nabigla ito sa nasasaksihan. Sina actor a at actor b, sa pagkabigla rin, hindi na naikubli pa ang naghuhumindig na katotohanan.

Hindi naman sumali si bidang actor kina actor A at B at sinabihan na bilisan na nila para makapagpahinga sa sila at matindi ang kanilang mga eksena kinabukasan.