2 aktres pinakyaw ang mga daks sa showbiz

BERDENG-berde ang kapaligiran nu’ng gabing ‘yun. Ang napili kasing pagpistahan sa isang malaking umpukan ng mga showbiz people ay king sinu-sinong artista ang may ipagmamalaking sandata.

Natural, kasama rin sa paksa ang mga lalaking personalidad na mapoporma lang, pero Duty Free naman (dyutay) at walang maipagmamakaingay na armas.

Spell I (inggit) ang grupo sa isang kilalang female personality na puro may maipagmamalaking sandata ang naging karelasyon.

“Actually, dalawa silang female personalities na talagang sinuwerte, nagkataon lang siguro na minahal nila ang mga kalalakihang nagdaan sa buhay nila, wala naman siguro silang idea na super-blessed pala ang mga ‘yun!

“Si Actress A, kilalang-kilalang super-dakila ang nakarelasyon niya. Nu’ng magkahiwalay sila, e, isa pa ring male personality na balitang-balitang dakila ang nakarelasyon niya!

“Ito namang si Actress B, nakarelasyon niya ang isang male personality na blessed na blessed. Nu’ng magkahiwalay sila, e, nakarelasyon naman ni Actress B ang pamana ni Actress A sa kanya!

Pagkatapos nila, e, isang athlete namang kinababaliwan ng mga becki ang naging karelasyon niya! Pinakyaw na yata nina Actress A at Actress B ang mga dakila sa showbiz!” unang kuwento ng aming impormante.

Minsan, sa pagkukuwentuhan nina Actress B at Actress-Singer C, ay sinabi niya, “OMG! I thought it’s ____(pangalan ng unang aktor na nakarelasyon niya) na, there’s ____(pangalan ng ikalawang male personality na naging boyfriend niya) pa pala!

Parang sinabi na rin ng pamosong female personality na mas super-blessed ang ikalawang aktor na nakarelasyon niya kesa sa unang male personality kung saan siya nagka-baby.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Kris magkulong sa hina ng immune system

NAGDEKLARA na ng state of public health emergency si Pangulong Rodrigo Duterte. ‘Yun ay pagkatapos ideklara ng DOH na mabilis na ang pagkalat ng COVID-19 sa ating bansa.

May mga concert na ipinagpaliban, may mga birthday party na hindi na itinuloy, dahil sa pag-iingat na mahawa ng sakit na mapamuksa.

Ang matataong lugar ang mahigpit na ipinagbabawal na puntahan ng mga taga-DOH, pati nga ang pakikipagkamay at pakikipagbeso-beso ay ipinagbabawal na rin ngayon, dahil napakabilis daw lumipat-bumiyahe ng COVID-19 sa mga direktang nakakaengkuwentro ng maysakit.

Napakabenta ngayon ng alcohol, pati ng face mask, hindi man ‘yun tiyak na gamot para makaiwas sa mapamukhang sakit ay makatutulong ang ganu’n sa pag-iwas.

Sana naman ay maintindihan ng mga kababayan natin kung hindi man nakikipagkamay o nakikipagbeso ngayon ang mga artista. Hindi lang naman ‘yun para sa kanilang kapakaran kundi para sa kaligtasan na rin ng mga taong lumalapit sa kanila.

May mga kaibigan kaming pabalik na sa Las Vegas pagkatapos ng kanilang dalawang linggong bakasyon. Naging magastos ang kanilang pagbiyahe dahil nagpa-rebook sila ng airline company. Dadaan kasi sa Korea ang unang ticket na nakuha nila, pero kinailangan nilang magpalit para sa isang direct flight, para pagdating nila sa Las Vegas ay hindi na sila ma-quarantine nang labing-apat na araw.

Mataas ang presyo ng ticket, pero kailangan nilang bilhin, para makaiwas sila sa napakalaking abala pagbalik nila sa Las Vegas.

Si Kris Aquino naman ang naalala ng kaibigan naming tumawag, ito raw ang pagkakataon na hindi na dapat pang lumabas ng bahay si Kris, dahil mahina ang kanyang immune system.

Ayon sa pamunuan ng DOH ay ang mga taong may mahinang immune system, ang unang-unang tinatamaan ng COVID-19, wala silang matinding panlaban sa sakit, kay Kris din naman nanggaling ang dahilan at ugat ng kanyang pagkakasakit.

Ang dating libot nang libot habang nagmomotorsiklo na si Cogie Domingo ay mukhang tinablan na rin ng takot ngayon. Palagi siyang nangangatwiran na nakatakip daw naman ang kanyang mukha kapag nag-iikot siya, ligtas na ligtas daw siya sa pagkahawa, pero ngayon ay limitado na rin ang kanyang pagmomotor.

“Magpapalipas po muna ako, nakakatakot kasi ang mga napapanood ko sa news, napakarami na palang nabibiktima ngayon ng coronavirus,” pag-amin ng aktor.

Mabuti naman.