2 anak ni Angelina Jolie inoperahan

2 anak ni Angelina Jolie inoperahan

Naoperahan ang dalawa sa mga anak ng aktres na si Angelina Jolie at ng dati niyang partner na si Brad Pitt. Ibinahagi niya ito sa isang essay sa Time Magazine para sa International Women’s Day.

Saad niya, “I have spent the last two months in and out of surgeries with my eldest daughter, and days ago watched her younger sister go under the knife for a hip surgery.

“They know that I am writing this, because I respect their privacy and we discussed it together and they encouraged me to write. They understand that going through medical challenges and fighting to survive and heal is something to be proud of.”

Hindi naman idinetalye ni Angelina kung sino sa mga anak ang sumailalim sa operasyon. Subali’t ang kanyang panganay na babae ay si Zahara, 15, habang ang bunso naman ay su Shiloh, 13.

Nasaksihan umano niyang alagaan nina Zahara at Shiloh ang isa’t-isa. Ganun din ang sabay nilang pagharap sa kanilang kinatatakutan ng buong katapangan. Nagpakita din ng suporta at lakas ng loob ang iba nilang kapatid. (Rona Ronda)