Isang 2-anyos na bata ang hinostage sa bus ng isang lalaking problemado sa pamilya kahapon sa Oas, Albay.

Mahigit walong oras ang hostage drama kunsaan nailigtas sa suspek na si Bayani Balanon, 48, ang 2-anyos na hostage na pinangalanang si Baby Vince.

May mga sugat sa leeg, ulo at mukha ang biktima matapos tutukan ng matulis na bagay ng suspek.

Ang insidente ay sa loob ng Raymund bus na patungong Masbate sa kahabaan ng national highway sakop ng Brgy. Ilaor Norte ng nabatid na bayan.

May negosasyon subalit matigas ang suspek na gustong pabalikin ang bus sa Maynila.

Alas-8:25 ng umaga nang matiyempuhan ni Sr. Insp. Domingo Tatel, kasama ang kanyang tatlong pulis na dumaan sa likurang bahagi ng bus at doon nakipagbuno ang mga ito sa suspek.

Buryong ang suspek at nang-hostage matapos kasuhan ng rape ng kanyang anak at hiwalayan ng asawa nito.