Dalawang apartment unit ang nasunog kahapon nang umaga sa Brgy. Central, Quezon City.
Nabatid kay Senior. Fire Officer 4 Joseph Gatchalian na sumiklab ang sunog ganap na alas-11:00 nang umaga sa bahagi ng Maginoo St., sa Brgy. Central.
Umabot lamang ang sunog sa unang alarma makaraang agad na makaresponde ang mga bumbero sa lugar.
Tinataya namang mahigit lang sa P50,000 ang halaga ng nasirang ari-arian sa lugar kung saan wala namang naitalang nasugatan o nasawi.
Patuloy ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung ano ang naging ugat ng nasabing sunog.