2 arestado sa shabu sa kahon ng posporo

Arestado ang dalawang binata nang madiskubre ang tatlong sachet ng shabu na nakalagay sa isang kahon ng posporo na kanilang itinago, sa isi­nagawang checkpoint ng mga awtoridad sa Taguig City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Chief Supt. Tomas Apolinario ang dalawa­ng nadakip na suspect na sina Zebedee Mard Antipuesto, 22, at Christian Bonalos, 21, pawang mga residente ng Upper West Village nang nasabing lungsod.

Ayon sa Taguig City Police, dakong alas-otso ng gabi nang sitahin ang mga suspek sa kahabaan ng Upper West Village, Barangay Pinagsama,Taguig City.

Lumalabas sa report, sakay ng isang motorsiklo ang dalawang suspek nang parahin ng mga pulis sa isang checkpoint na kanilang inilatag sa nasabing lugar.

Nang inspeksiyunin ng mga pulis ang kanilang mga dalang bag pack ay isang kahon ng posporo na naglalaman ng tatlong plastic sachet na nag­lalaman ng hinihinalaang shabu at drug paraphernalia tulad ng tooter, ligh­ter, isang marker at tatlong cellphone ang nakuha.

Hindi naman nakapalag at nakatanggi ang mga suspek sa kanilang pagbitbit ng droga kaya agad itong dinala sa nasabing himpilan ng pulisya at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa mga ito.