Dalawang bandidong ASG ang napatay sa naganap na bakbakan sa Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Ayon kay Joint Task Force Sulu head Brig. Gen. Cirilito Sobejana, may 15 bandido ang nakasagupa ng 10th Infantry Batallion kahapon dakong alas-siyete ng umaga.

Nabawi ng mga sundalo ang bangkay ng dalawang bandido gayun din ang isang M16 automatic rifle sa Barangay Sandah kung saan sumiklab ang labanan.

Idinagdag naman ni Army Captain Jo-ann Pe­tinglay, spokeswoman ng Western Mindanao Command, na dalawang Abu Sayyaf pa ang sumuko sa militar kamakalawa na kinilalang sina Musa Jamil Alsid at Mohammad Waddang Udding.

One Response

  1. Hindi nagimbestiga ang CHR sa pagkamatay ng 2 ABS. Imbestigahan na lang ninyo ang abs-cbn sa pangungulecta ng pera sa tao kapag maybagyo o may lindol. Hindi po ba ito human right violation kinukuartahan nila ang mga tao.