2 babae, 1 pa sa drug watchlist timbog sa Pasay

Dalawang babae at isang lalaki na pawang drug pusher at nasa drug watchlist ang nakakulong ngayon matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Pasay police.

Ang tatlo ay nakorner sa panulukan ng Balagtas St. at FB Harisson St., Barangay 14, Pasay City kamakalawa ng gabi.

Nakumpiska sa pag-iingat ng tatlo ang 18 pirasong plastik ng shabu na may street value na P121,000,00 at mga drug paraphernalia. (Eric Ocapan)