Dalawang kababaihan ang itinuturong nasa likod ng pagsabog sa night market sa Davao City kamakalawa ng gabi.

Ayon sa isa sa mga survivor na masahista na si Rhea Rolida na ang kapatid ay kabilang sa 15 na nasawi, dalawang babae umano ang kanilang namataan na nagmamadaling umalis malapit sa kanilang puwesto at nag-iwan ng bag bago nangyari ang insidente.

Iniwan umano ng da­lawang babae sa mahabang hilera ng mga masahehan at food stalls sa Roxas Street sa Davao City ang isang bag na sinundan na nga nang ma­lakas na pagsabog at pagbulagta ng marami.

“The bombers were two women dressed in ordinary clothes and blended with the public. They were acting strangely because they were in a hurry,” kwento ni Rolida na tinamaan sa te­nga ng shrapnel nang ka­panayamin sa radyo.

Inabandona umano ng dalawang babae ang bomba sa bag na iniwan sa salansan ng mga upuan malapit sa massage area, ayon pa sa masahistang nakaligtas.

Hindi umano pinansin ng mga massage therapist ang kahina-hinalang mga babae dahil abala sila sa trabaho.

Maging si Ronald Delfinco na nakatayo tatlong metro ang layo sa pinangyarihan ng insidente ay nagsabi sa ABS-CBN News nang kapa­nayamin ang mga survivor, na dalawang babae na tumatakbo sa lugar ang kanyang napansin, bago ang naka­yayanig na pagsambulat.

Samantala,­ maliban sa dalawang babae, isang lalaki rin ang sinasabing nag-iwan ng backpack sa massage parlor sa night market sa Davao City bago ang bomb blast.

Ayon sa masahistang si Jenalyn Rosal, isang lalaking naka-bonnet ang nagpamasahe sa kanila at pagkatapos ay basta na lamang iniwan ang kanyang dalang backpack.

Tinawag pa umano nila ito para ipaalam na naiwan ang bag nito ngunit makaraan ang 30 segundo ay nayanig na ang paligid at nagkagulo na.

Hinahanap naman ng PNP ang umano’y “four persons of interest” sa nabanggit na pagsabog, ayon sa ulat ng GMA news.

Sa panayam nito kay C/Supt. Manuel Gaerlan, Director Region XI, sinabi ng opisyal na narinig ng ilang tao yung pag-uusap umano ng nabanggit na “four persons of interest” na hindi umano niya masasabi pan­samantala, ngunit kanila umanong inaalam kung ano ang relasyon ng mga tao na ‘yun sa pagsabog.

Sa pinakahuling ulat ay umabot na sa 15 ang patay, habang 71 naman ang sugatan sa pagsa­bog na nauna nang inako ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Sinabi naman ni Pre­sidential Communications Office Sec. Martin Anda­nar na kasunod ng pagsabog, hindi pa kumbinsido ang Palasyo na ang ASG ang nasa likod ng pag-atake.

17 Responses

  1. I just hope that this is not an Oligarch funded bombing to terorize the public simply for their personal benefit trying to discredit our Presidents, hope they’ll all be arrested and tell who masterminded this inhuman behavior.

    1. TANGA KA BA?INSIDE JOB NA NGA PAKANA NI MANG KANOR YAN PARA MAG TRIGGER AT MAI DECLARE NYA STATE OF LULO LESNESS NYA….PUMIYOK NA YONG ASO NYA SI PANELO NA BEFORE ANG BLAST NAKA PLANO NA YANG DECLARATION…NAGHIHINTAY LANG SILA NA MAY MAG TRIGGER…WAWA NMN MGA DUTERTARDS SACRIFICE LAMB NI MANG KASMOT