2 babaeng Muslim nagbenta ng droga

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 3 ang dalawang babaeng Muslim na nagtutulak ng iligal na shabu sa isang entrapment operation kahapon ng madaling-araw sa may Islamic Center sa may Carlos Palanca St., Quiapo, Maynila.

Nasamsam ng mga tauhan ni Police Lt. Colonel Reynaldo Magdaluyo ang shabu na may street value na P600,000.00 sa suspek na sina Ashlanie Ampatua, 26, at Marie Kisol, 35, kapwa-Muslim at taga-KagitiĀ­ngan St., Tondo.

Sa imbestigasyon, ala-1:25 ng madaling-araw nang isagawa ang buy-bust operation laban sa dalawang babae.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, kaagad na dinakip nina PCpl. Edgil Bombaso at Alvin Galicia ang dalawang babae.

Nakuha sa mga suspek ang sling bag, shabu, marked money at 2 ID ng AFP reservist. (Juliet de Loza-Cudia)