Nadakip ng mga operatiba ng Philippine National Police-Integrity Monitoring and Enforcement Group ang isang Argao, Cebu police chief matapos maaktuhang natutulog kasama ang mga babaeng preso sa kuwarto nito sa kanyang opisina.

Ayon kay PNP-IMEG director Police Col. Ronald Lee, si Police Major Ildefonso Miranda Jr., ay nakita na may kasamang babaeng detainee sa kanyang sleeping quarter, habang ang isa pang babaeng preso ay nasa opisina nito.

“The two female inmates are supposed to be locked up at the police jail, not sleeping in the room of the police station commander,” ayon kay Lee.
Ang dalawang inmate na nahaharap sa kasong iligal drugs ay kinilalang sina Jean Claudia de Guzman, 23 at Brenda Cutillar, 40.

Ayon sa report, kinarelasyon umano ni Miranda ang isang babae habang ay isa naman ay ginagawa niyang helper.

Sa cell phone ng ospiyal ay may nakita ring mga picture na katabi niya ang dalawang lady inmate habang nakahiga.

Nakita pa ang isang larawan na suot ng isang babae ang uniporme ng opisyal.
Dahil dito’y nirekomenda na ni Lee na sibakin sa puwesto si Miranda.

Nagsimula ang operasyon matapos makakalap ng mga impormasyon na pinapatulog umano ni Miranda ang mga babaeng inmate sa kanyang opisina, kung saan nagkakaroon pa umano ng sexual relationship sa mga preso.