Pitong katao kabilang ang dalawang babaeng tulak ng droga na nasa drug watchlist dahil sa pagpapagamit na gawing drug den ang inuupahang bahay ang nadakip ng awtoridad sa isang buy-bust operation ng Sta. Maria-PNP sa Brgy. Caypombo, Sta. Maria, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Raniel Valones, Sta. Maria police chief, ang mga nadakip na sina Sharon Reno, 47; Jake Villanueva, 39; Nino Alerta, 30; Hanie Gumaras, 24; Karl Joseph Zuniga, 20; John Villanueva, 38 at Cheralyn Favian, 37.

Narekober sa kanila ang anim na pakete ng shabu, iba’t ibang uri ng drug paraphernalias at marked money.

Pasado alas-onse ng gabi ang operasyon sa dalawang babaeng tulak na sina Reno at Favian kunsaan hindi na pumalag ang mga ito habang huli sa aktong nagsasagawa ng pot session ang iba pang nadakip.