Kritikal ang kondisyon nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang dalawang ba­gets na umano’y humihithit ng marijuana at sangkot sa serye ng robbery-snatching makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa Sta. Cruz, Maynila kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang dalawang biktima na parehong 17-anyos, mga out-of-school youth at naninirahan sa Almeda St., Tondo.

Nabatid kay Supt. Santiago Pascual III, commander ng Manila Police District-Station 3 na nangyari ang pamamaril sa kanto ng Ipil at Herrera Sts. sa Sta. Cruz dakong alas-6:58 ng gabi.

Sakay ang mga biktima ng tricycle nang dikitan ng riding in tandem na kapwa naka-bonnet saka pinagbabaril.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na miyembro umano ng tinaguriang ‘Magdamo group’ ang mga biktima na gumagamit ng marijuana at sangkot din sa serye ng robbery snatching sa Tayuman, Tondo at mga karatig na lugar.