2 bagets patay sa motor vs bus

Dalawang binatilyo ang nasawi matapos sumalpok sa isang bus ang sinasak­yan nilang motorsiklo sa Aspiras highway, Brgy. Cares, Pugo, La Union.

Kapwa dead-on-arrival sa La Union Medical Center ang driver ng motor na sina Ramir Teofilo, 16-anyos, taga-Taloy Norte, Tuba, Benguet at angkas nitong si Jasper Chanfing, 15-anyos at residente ng Upper Palina, Tuba, Benguet.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagmula sa Lungsod ng Baguio ang bus na minamaneho ni Rogelio Dizon, 33-anyos, may asawa at residente ng San Antonio, Roxas, Isabela at tinatahak ang pababang bahagi ng kalsada habang paak­yat naman ang motorsiklo na minamaneho ni Teofilo.

Bigla umanong nag-overtake ang motorsiklo sa kasunod na sasakyan ngunit nakasalubong naman ang bus kaya sumalpok dito.

Itinakbo sa pagamutan ang mga biktima ngunit binawian na ng buhay.