2 bagyo sabay pumasok sa PAR

Sabay na pumasok ang dalawang bagyo sa teritoryo ng Pilipinas kahapon, kaya inaasahan ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon.

Naunang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lannie (may international name na Talim) at sinundan ng tropical depression Ma­ring na dating Low Pressure Area (LPA).

Dakong alas-kuwatro ng hapon nang huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyong Lannie sa la­yong 1,370 kilometro ng Silangan ng Aparri, Cagayan.

Ang bagyong Lannie ay may taglay na lakas ng hangin na hanggang 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 145 kilometro kada oras.

Ang tropical depression Maring ay namataan naman sa layong 300 kilometro ng Silangan ng Infanta, Quezon. Taglay nito ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro at pagbugsong hanggang 60 kilometro kada oras.