Dalawang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng kalsada kahapon sa Rodriguez, Rizal.

Ang mga biktima na parehong nakatali ang kamay, may busal sa bibig ay pinaniniwalaang pinatay sa bugbog at sakal nang matagpuan sa gilid ng kalsadang sakop ng Sitio Talag, Soutville 8, Barangay San Isidro ng nasa­bing bayan.

Ayon kay Rodriguez Deputy chief of police (COP) Joel Gadia, alas-siete ng umaga nang makatanggap ng tawag ang kanilang himpilan hinggil sa pagkakatagpo sa mga bangkay.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya at base sa inisyal na im­bestigasyon, pinatay sa bugbog at sakal ang mga biktima patunay ang mga pasa ng mga ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Posibleng itinapon lang ang mga bangkay doon dahil hindi sila kilala ng mga residente.