Apektado ngayon ng African Swine Fever (ASF) ang dalawang bayan ng Dinalupihan, Bataan matapos magpositibo sa isinagawang laboratory test noong Miyerkoles ang ilang baboy sa nasabing mapanganib na virus.
Inilarawan naman itong ‘bad news’ ni Dinalupihan Mayor Maria Angela Garcia.
“Hindi pa 100 percent na na-identify pero sa meeting mukhang from swill feeding. Ibig sabihin, isang potential source ng ASF ay ang swill feeding,” saad ng mayora.
Kaugnay nito, agad na nakipagpulong si Garcia kay provincial veterinarian Alberto Venturina at ilang representative ng Department of Agriculture-Region 3 sa San Fernando Pampanga.
“Gusto kong ibalita ang isang nakakalungkot na balita na we have confirmed na merong mga ASF-positive farms sa bayan ng Dinalupihan,” saad nito.
Dahil dito’y mahigpit na nanawagan ang alkalde sa koordinasyon at kooperasyon ng kanyang nasasakupan.
“We are coordinating with the proper authorities and the province on how to control, maintain, contain and manage the situation. And of course, we are asking the public for their cooperation.” (PNA)