2 bebot na snatcher arestado

arrested

Arestado ang dalawang babae nang tangkain agawin ang cellphone ng isang 14-anyos na estud­yante, kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.

Nasa kustodiya ng Lacson Police Community Precinct (PCP) ang mga suspek na sina Marilyn Oyong, 37 at Rosi­ta Macato, 40, kapwa residente ng Sampaloc, Maynila.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-siete ng umaga habang naglalakad ang Grade 9 student na si Claire Angela Austria sa may M. De La Fuente St. papunta sa paaralan sa Ramon Magsaysay High School sa Don Quixote Street.

Sinundan umano ng dalawang suspek ang dalagita at nagawa nilang buksan ang backpack nito at nakuha ang cellphone na nagkakahalaga ng P4,800.

Nagkataon nakita ni Wilmar Taganap ang insidente at kaagad na inalerto ang nagpapatrolyang mga pulis dahilan para arestuhin ang dalawang suspek.