Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nakalabas na ng pagamutan ang 38-anyos na babaeng Chinese national na itinuturing na unang nagpositibo sa 2019 novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD) sa bansa.
Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Eric Domingo, nitong Sabado pinayagan nang makalabas ng pagamutan ang dayuhan, matapos ang dalawang ulit na test na isinagawa sa kanya na nag-negatibo na sa virus.
“The patient was discharged on Saturday, I believe. Because the last test done on Thursday or Friday turned out negative and that was the second negative test,” ayon kay Domingo sa press briefing.
Ang naturang pasyente, na mula sa Wuhan City, Hubei, China, ay dumating sa bansa noong Enero 21, mula Hong Kong, kasama ang kanyang nobyong 44-anyos na Chinese national na nasawi dahil sa severe pneumonia-nCoV. (Juliet de Loza-Cudia)