Dalawang kalalakihan kabilang ang isang sangkot sa iligal na droga ang napatay ng hindi pa kila­lang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa magkahiwalay na insidente sa Pateros at Makati City.

Base sa isinumiteng report ni Supt. Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office (PIO) at tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), kinilala ang biktimang si Raul Castillo ng Alley 9 P. Rosales St., Brgy. Santa Ana, Pateros.

Ayon sa Pateros Police, alas-dos ng mada­ling-araw nang mangyari ang insidente habang nakatayo ang biktima ay big­lang lumapit ang sa­larin at pinagbabaril ito hanggang sa tuluyang masawi.

Pitong tama ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang inabot ng biktima na ayon sa mga kaanak ay nasangkot umano sa pagtutulak at paggamit ng droga.

Samantala, wala ng buhay nang maabutan ng mga nagrepondeng pulis si Jasani A. Hutalla, tricycle driver, ng Ricarte St., Brgy. South Cembo Makati City matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang motorcycle rider dakong alas-3:50 ng madaling-araw sa panu lukan ng Luzon at Aklan St., Brgy. Pitogo, Makati City.