Patay ang dalawa katao na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng hapon sa Naga City, Camarines Sur.
Kinilala ang mga nasawing suspek na sina Jeffrey Palomares at Orlando Gabriel Jr., residente ng Barangay San Rafael, Cararayan ng nabatid na lungsod.
Ayon sa report, naganap ang engkuwentro dakong alas-tres ng hapon sa Zone 7, Barangay San Rafael, Cararayan matapos makatunog umano ang mga suspek na mga pulis ang katransaksyon dahilan upang paputukan ng mga ito ang mga awtoridad.
Gumanti naman ng putok ang pulisya at doon humandusay sina Palomares at Gabriel Jr.