Dalawang magkasunod na aksidente ang naiulat kahapon sa kahabaan ng EDSA.
Unang nangyaring aksidente ay ang salpukan ng dalawang bus ng hapon ng Linggo.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sumalpok ang Malanday Metrolink bus sa nasa harapan nitong Del Carmen Bus sa northbound lane ng Edsa partikular sa bahagi ng P. Tuazon Boulevard sa Quezon City.
Dahil sa nangyaring salpukan ay bahagyang nasaktan ang siyam na pasahero.
Ang mga sugatang biktima ay pawang mga pasahero ng Malanday bus.
Nagtamo ang siyam na pasahero ng mga bugbog at galos sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Sa isang bahagi naman ng EDSA sa Pioneer Boulevard sa Mandaluyong ay nagkarambola ang isang point-to-point bus at dalawang kotse.
Wala namang naiulat na sugatan sa nangyaring karambola ng bus at dalawang tsekot.