2 CAFGU tepok sa ambush

Dalawang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographica­l Unit (CAFGU) ang tumimbuwang nang tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Siti­o Dak-Dak, Barangay Pamatsaken, Sumisip, Basilan.

Kinilala ni Sumisip Municipal Mayor Boy Hataman, ang mga nasawi na sina Samie Jairulla at si Abdulla Tabjilie.

Napag-alaman na galing sa kanilang detachment kahapon ng umaga ang mga nasawing CAFGU habang sakay ng motorsiklo papunta sa Barangay Buli-­Buli nang tambangan ang mga ito.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para maaresto ang mga salarin.