Dalawang tinaguriang hitmen ang napatay sa anti-drug operation ng pulisya sa Talisay City, Cebu.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joser Abacahan at Julian Bonghanoy, Jr., pawang residente ng Barangay Maghaway, Talisay City.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame ni Sr. Insp. Leo Logroño, nagsagawa ng operasyon ang magkasanib na puwersa ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Talisay City Police sa nabanggit na barangay matapos makatanggap ng impormasyon na positibo sa lugar ang mga target personalities.

Pero paparating pa lamang ang mga pulis ay nakatunog na ang mga suspek kaya bago pa maisilbi ang arrest warrant laban sa dalawang napatay ay sinalubong na sila ng putok ng baril hanggang sa magkaroon ng engkuwentro.