Ilang pulis na may bahid na ang record ang nagantimpalan pa ng bagong posisyon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pahayag ng public information office ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na pinamumunuan ni Police Maj. Gen. Debold Sinas, may 11 pulis ang mapo-promote kung saan ilan sa mga ito ay dati nang nasibak sa iba’t ibang pwesto.

Kabilang sa mga ito ang dalawang Police colonel na kasama sa 18 pulis na sinibak dahil sa mananita noong Mayo 8 kay Sinas na nag-birthday na sina Police Colone Rodel Pastor at Police Coloner Raul Tacaca.

Si Pastor ay magiging acting chief para sa Regional Personnel and Records Management Division, papalitan si Col. Maria Camarao, na ililipat na director ng PNP Recruitment and Selection Service.

Ang isa pang opisyal na kasama sa nagsagawa ng mass gathering ay si Tacaca na unang tinanggal bilang hepe ng Negros Oriental police dahil sa sunod-sunod na patayan sa probinsya ay ang magiging Quezon City Police District chief district directorial staff.

Samantala, si Col. Hector Grijaldo Jr., na dati namang natanggal bilang Cebu City police chief dahil sa pananakit ng kapwa pulis, ay magiging secretary ng chief regional staff habang ang isang pang kontrobersiyal na opisyal na si Col. Bernard Yang ay uupo bilang Makati City Police Station officer-in-charge.

Ang iba pang nabigyan ng bagong pwesto ay sina Col. Arthur Bisnar (PNP Retirement and Benefits Administration Service acting director);Col. Juan AnoƱuevo (QCPD deputy district director for administration); Col. Randy Silvio (Metro Manila Police regional mobile force battalion OIC); Col. Rogelio Simon (regional operations division acting chief); Col. Enrico Vargas (Southern Police District deputy district director for operations) at Col. Ferdinand Navarro (QCPD deputy district director for operations).(RP)