Arestado ang apat na katao na hininalang bumatak at may dalang isang sachet ng shabu sa isinagawang anti-criminality campaign ng Lacson PCP, kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ni PO1 Oscar Cruz ng MPD-PS 4 ang mga nadakip na suspek na sina Rolando Lomboy Capuso, 42, pedicab drayber, taga-1850 G. Tuazon St., Sampaloc Maynila; Kyle Manlugon Platon, 26, traysikel drayber, ng 320-H. Sta. Teresita St., Sampaloc Maynila; Maricel Burdios Arimedo, 40, ng 1840 G. Tuazon St., Sampaloc Maynila at Maricris Agapito, 24, ng 959 Domingo Santiago St., Sampaloc Maynila.
Sa report na isinumite sa MPD-PS4, dakong alas-2:30 ng madaling-araw habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga pulis nang masita ang mga suspek sa nabanggit na lugar.
Sa pagkapkap, nakuha sa mga ito ang isang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang lighter at isang piraso ng aluminum foil strips na may naiwang “residue” ng hinihinalang shabu.
Kaagad inaresto ang mga suspek at inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A 9165 Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.