2 customs off’l, misis sinabit sa alahas smuggling

Dalawang opisyal ng Bureau of Customs at kanilang mga kabiyak ang nahaharap ngayon sa kaso dahil sa umano’y pagpuslit ng mil­yong halaga ng mga mamaha­ling alahas sa Ninoy Aquino International Airport.

Kinilala ni NBI-Anti Graft Division head lawyer Catherine Camposano-Remegio ang Customs official na sina Lomontod Macabando, Customs Officer V; Galoden Musor, Customs Security at mga misis nitong sina Abraham Mimbalawag at Bangsa-an Mimbalawag.

Sinabi ni Remegio na ang anti-graft cases ay isinampa na sa Office of the Ombudsman kahapon.

Nabatid pa sa NBI-AGD head na nagsilbing mga courier sa smuggled merchandise ang kabiyak ng dalawang opisyal.

Nakumpiska kina Macabando at Musor ang 1029 piraso ng gold earring, 155 pi­raso ng gold pendant, 24 gold ring, set of gold earring at pendant, 19 pirasong gold bangle, 295 piraso ng gold chain at 101 piraso ng gold bracelet.

Ang nasabing mga mamahaling alahas ay dinala galing Dubai ng mga misis ng BOC official kung saan nagkakahalaga ang mga ito ng P10 milyon.
Nabatid pa sa NBI-AGD na nagagawang maipuslit ng mga opis­yal ang nasabing ‘hot item’ sa pamamagitan na rin ng pagdedeklara nilang family business ito. (Nancy Carvajal)