2 dayuhan walang paki sa lantarang sex sa Boracay

2 dayuhan walang paki sa lantarang sex sa Boracay

Huli sa akto ang dala­wang turista na nagtatalik sa beachfront ng Boracay sa Kalibo, Aklan, sa mismong Araw ng mga Puso.

Nakapatong ang lala­ki sa babaeng dayuhan at tila wala umanong pakialam ang dalawa kahit maraming tao ang nakakakita sa kanilang ginagawa.

Tinigil lamang umano ng mga ito ang kanilang ginagawa nang sawayin ito ng isa sa mga nakakita.

Hindi naman nabatid ang nasyonalidad ng dalawa, ngunit nakuhaan ng litrato ang kanilang kalaswaan.

Sa ngayon ay nag-iimbestiga na ang Malay Philippine National Police sa insidente.