Dalawang drug personalities dito ang naidagdag sa humahabang talaan ng napapatay sa Nueva Ecija kamakalawa.
Batay sa ulat, kinilala ang mga napaslang na sina Saidamen Bautil Aragon alyas ‘Muslim,’ residente ng Quiapo, Manila at isang ‘di pa nakilalang biktima ng summary execution.
Lumitaw sa imbestigasyon na dakong alas-tres ng madaling araw noong Martes nang mapatay sa buybust si Aragon sa Brgy. Bayanihan na nakuhanan ng cal. .45, walong sachet ng shabu, at drug paraphernalia.
Dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang magsumbong ang mga taga-Brgy. Parcutela hinggil sa isang salvage victim na nakasuot ng maong shorts at nabalutan ng masking tape ang mukha at nakagapos ang mga kamay.