PANGASINAN — Nasawi ang dalawang katao sa lalawigang ito matapos maaksidente sa sinasak­yang mga tricycle kamakalawa.

Nakasakay umano sa likod ng tricycle si Henerosa Ferrer, 39-anyos, kasama ang apat na taong gulang na anak nang mahulog ito habang binabaybay ang San Carlos City Highway.

Naisugod pa sa hospital si Ferrer ngunit ideneklarang dead-on-arrival ng mga doktor habang masuwerteng nakaligtas ang anak nito.

Pinaghahanap naman sa Lungsod ng Urdaneta ang kulay itim na sasakyang (ADA 5402) matapos na takasan ang nakasalpukang motorsiklo na ikinasawi ng biktimang nakilalang si Jesus Serafica, 50, at residente ng Barangay Sumabnit sa bayan ng Binalonan.