2 drug pusher patay, 13 pa nakorner sa Bulacan buy-bust

drug-pusher

Patay ang dalawang tulak ng iligal na droga nang manlaban diumano sa awtoridad, habang 13 pa ang ang andakip sa anti-illegal drug operation sa Bulacan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang dalawang napatay na drug peddler na sina Reynaldo Bagtas at Franco Pantua, kapwa residente sa Brgy. Sto.Cristo, San Jose Del Monte City na namatay sa pook ng engkuwentro bunga ng mga tama ng bala sa katawan at naaresto pa ang dalawa nilang kasamahan na nakilalang sina Joanna Marie Bulawan at Roger Narag.

Bandang alas-8:00 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang awtoridad sa nasabing barangay. Nakatunog diumano sina Bagtas at Pantua na undercover agent ang katransaksyon kaya bumunot ang mga ito ng baril at pinaputukan ang awtoridad kaya napatay ang dalawa sa palitan ng putok habang nakorner naman ang dalawang nilang kasamahan.

Nakarekober sa mga suspek ang 13 maliliit na pakete ng shabu, isang pakete ng marijuana, isang improvised shotgun o sumpak, isang caliber 38 revolver at buy-bust money.

Samantala, 11 pang drug peddler ang nadakip ng mga operatiba sa mga bayan ng Balagtas, Bocaue, San Rafael, Sta.Maria, Baliwag at San Miguel.

Umabot sa 53 pakete ng shabu ang nakumpiska sa isinagawang operasyon. Patuloy na pinalalakas ng Bulacan ang kanilang kampanya sa droga

sa nasabing mga bayan at dinala ang mga suspek sa Bulacan Crime Laboraroty sa Malolos upang sumailalim sa drug test habang Patuloy na pinalalakas ng Bulacan ang kanilang kampanya sa droga o ang tinatawag na Project Double Barrel Reloaded kaya asahang maraming pang sangkot sa droga ang madadakma habang pinaiiral ang mahigpit na Enhanced Community Quarantine(ECQ)sa lalawigan. (Jun Borlongan)