Dalawang hinihinalang drug personalities ang patay matapos ang isang hot pursuit operation sa Olongapo City.

Ayon kay Olongapo City Vice Mayor Jong Cortez, iniulat sa kanya ni Sr. Supt. Jerry Sumbad, chief of police ng Olongapo City Police Office na nakipagbarilan at nakipaghabulan sa mga awtoridad ang drug suspects hanggang sa magpang-abot sa Olongapo Public Market.

Ayon kay Cortez na isang ‘Jack’, ang sinasabing target ng nasabing impormasyon.
Hindi pa nakikilala ang mga napatay.

Sakay ng isang black Innova ang mga ito na may plakang YR 4270.

Dagdag pa ni Cortez, ginagamot ang isang nasugatang pulis na si PO2 Omega nang tamaan ito sa kanyang pisngi.